DOH Sec. Duque, naka-home quarantine
- Madel Moratillo
- Mar 19, 2020
- 1 min read

Kinumpirma ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire na nakasailalim sa 'home quarantine' si Health Sec. Francisco Duque III.
Ayon kay Vergeire, nagpa-test na rin ang kalihim para sa Coronavirus Disease 2019.
Sa ngayon, asymptomatic o wala namang sintomas pa sa kalihim.
Gayunman, ayon kay Vergeire, asthmatic at hypertensive si Duque.
Sa ngayon, naka-work from home aniya ang kalihim.
Matatandaang, una nang kinumpirma ng DOH na isang direktor nila ang nagpositibo sa covid- 19.





Comments