Bonus ng mga gov’t. employees, ibibigay na
- Gina Pleñago
- Mar 19, 2020
- 1 min read

Ibibigay na ang mid-year bonus ng nasa 7,000 regular at casual employees ng Parañaque City Government.
Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, bukod sa bonus, lahat din ng empleyado ay mabibigyan ng P6,000 clothing allowance hanggang sa Lunes, Marso 23.
Dahil sa state of calamity at enhanced community quarantine sa buong Luzon, hindi na kailangang magtungo pa sa Parañaque City Hall ang mga empleyado dahil idadaan na ito sa kanilang Land Bank automated teller machine (ATM).
“The early release of the bonus pay is to augment the financial needs of employees who would be economically affected by the crisis,” ani City Treasurer Dr. Anthony Pulmano.
Makukuha rin ng mga kawani ang kanilang regular na buwanang suweldo.





Comments