475 patay sa COVID-19 sa Italy sa magdamag
- BRT
- Mar 19, 2020
- 1 min read

Nakapagtala ng 475 na bilang ng namatay sa Italy dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19 sa nakalipas na magdamag.
Dahil dito, umabot na sa 2,978 ang kabuuang bilang ng nasawi sa Italy dahil sa nasabing sakit.
Samantala, sa magdamag ay umabot na sa 4,207 na kaso ang naitala sa nasabing bansa kung saan,mahigit 2,600 namang health workers ang infected na ng COVID-19.





Comments