top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Closed doors ang event ng ONE C’ship hanggang Mayo

  • Gerard Arce
  • Mar 18, 2020
  • 1 min read

Inanunsiyo ng pamunuan ng ONE championship na ilalagay nila sa “closed doors” ang lahat ng mga events sa mga manonood at fans hanggang katapusan ng Mayo bilang tugon sa sitawasyon ng COVID-19 sa mundo.

“All scheduled events with live audiences for ONE Championship will be suspended until at least May 29, 2020, due to the extraordinary COVID-19 global situation,” ayon sa inilabas na statement ng naturang promosyon.

Magsisimula ang naturang pag-uutos sa Abril 17 sa event sa Singapore, na susundan sa Abril 24, Mayo 1 at Mayo 8.

Ang malaking event na ONE Infinity 1 sa Maynila na katatampukan ni Filipino-American Brandon Vera kung saan idedepensa nito ang kanyang ONE Heavyweight title laban kay Arjan Bhullar ng Canada ay maaring magbago dahil na rin sa sitwasyon ng coronavirus.

Maglalabas na lamang ng anunsiyo ang ONE Championship sa mga darating na buwan kung anong magiging pagbabago sa mga petsa ng laban nito.

Ayon kay chairman at CEO ng ONE Championship na si Chatri Sityodtyong, prayoridad ng kanilang kumpanya ang mga taga-subaybay, atleta, staff, partners at ang publiko upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Bukod sa ONE championship, napagdesisyunan rin ng naturang promotional outfit na iurong ang ONE Esports Dota 2 Jakarta Invitational na nakatakda sa Abril 18-19. Isasama na lamang ito sa ONE Esports Dota 2 Indonesia Invitational sa November 23-29, habang ang ONE Esports Dota 2 regional qualifier sa Jakarta, na ginaganap ngayong weekend, ay magiging studio-only event na lamang.

“ONE Championship will continue to thrill you with the greatest martial artists on the planet and inspire you with their incredible stories,” pahayag ni Sityodtong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page