Zubiri, positive sa COVID-19
- Mylene Alfonso
- Mar 17, 2020
- 1 min read

Inianunsiyo mismo ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na positibo siya sa Coronavirus Disease 2019.
Inihayag ni Zubiri ang kanyang pag-amin sa kanyang Facebook account makaraang tawagan ni Health Secretary Francisco Duque III at ipaalam na siya ay positibo sa COVID-19.
Ayon sa senador, noong Biyernes siya sumalang sa COVID-19 test habang siya ay sumasailalim sa quarantine.
Mananatili umano siyang naka-isolate sa loob ng 10 araw hanggang kunan ulit siya ng COVID test kung saan umaasa siyang magiging negatibo ito.
Samantala, bagama’t nag-test positive ang senador, siya ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit.





Comments