top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Idineklara.. “Enhanced community quarantine” sa buong Luzon.

  • Mylene Alfonso
  • Mar 17, 2020
  • 1 min read

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “enhanced community quarantine” sa buong Luzon.

Ito ang ibinunyag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang text message na kanyang ipinadala sa media.

Batay sa memorandum na inilabas noong nakaraang Sabado ay sususpendihin ang transportasyon, ipatutupad ang istriktong home quarantine sa mga households, ire-regulate ang probisyon sa pagkain at medical services, at paiigtingin ang presensiya ng uniformed personnel.

Una nang sinabi ni Panelo na kailangan ng Pangulo na gumawa ng komprehensibong assessment sa kasalukuyang sitwasyon base sa magiging presentation ng Inter-Agency Task Force on the Management of Infectious Diseases sa kanilang pagpupulong.

Tiniyak ni Panelo na nakaangkla ang desisyon ng Pangulo sa kaligtasan at seguridad ng lahat ng Pilipino.

Nabatid na kabilang si Panelo at Interior Secretary Eduardo Año sa mga opisyal na nanawagan sa Pangulo para sa total lockdown sa Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 na kinumpirma ng mga awtoridad.

“This is a matter of national survival. We have to be resigned to that fact. This is a matter of life and death. The only way to stop this is for us to help ourselves,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.

Samantala, umapela si Pangulong Duterte sa mga negosyante na ibigay na ang 13th month pay o ang kalahati nito bilang pagpapakita ng pakikiisa sa mga Filipino kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page