Kontra COVID-19.. Dagdag-pondo sa Gov't. hospital, aprub
- BRT
- Mar 16, 2020
- 1 min read

Dinagdagan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ayudang pinansiyal na ibinibigay nito sa Malasakit Centers sa anim na ospital ng gobyerno bilang suporta sa mga itinalagang programa ng pamahalaan para pigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Inaprubahan ni PCSO General Manager Royima Garma ang pang-araw-araw na tulong-pinansiyal para sa Malasakit Centers na itinatag sa mga sumusunod na ospital: Lung Center na itinaas sa P1 milyon; Philippine Children’s Medical Center, itinaas sa P400,000; Philippine Heart Center, itinaas sa P500,000; Philippine General Hospital, itinaas sa P1.5 million; Rizal Medical Center sa P400,000 at Taguig Pateros District Hospital na itinaas sa P400,000.
Ang pagtakda ng dagdag na arawang pondo ay magbibigay ng kaukulang kakayahan sa nabanggit na centers na magkaloob ng medical assistance sa mas maraming pasyente.





Comments