top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ipagpapaliban na rin ang Beach Volleyball

  • VA
  • Mar 16, 2020
  • 1 min read

Dahil pa rin sa banta ng coronavirus (COVID-19) sa bansa, nagdesisyon na rin ang pamunuan ng Beach Volleyball Republic na ipagpaliban ang nakatakdang BVR On Tour Puerto Galera at Dumaguete City legs.

Nakatakda sanang idaos ang Puerto Galera leg sa Marso 27-28 habang ang Dumaguete leg ay sa Abril 4-5.

Ayon sa BVR, katungkulan nila at responsibilidad na tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga fans, players, officials at crew.

Batid din nila ang posibleng abala o suliranin sa pagbiyahe ng mga manlalaro at lahat ng may kaugnayan sa torneo sanhi ng idineklarang “community quarantine” sa buong Metro Manila kung saan ipinagbabawal ang paglabas at pagpasok sa lugar sa pamamagitan ng lahat ng uri ng transportasyon mapa-lupa man, tubig o himpapawid.

Upang mapag-alaman ang mga kaukulang updates para sa mga susunod nilang mga aktibidad, maaaring tunghayan na lang o sundan ang mga BVR social media accounts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page