top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

BREAKING NEWS : Lumabas sa pagsusuri.. Sen. Migz Zubiri, postibo sa COVID-19

  • Bulgar Breaking News
  • Mar 16, 2020
  • 1 min read

UPDATE: Manila - Matapos masuri ay lumabas sa resulta na positibo sa COVID-19 si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ayon sa panayam ngayong Lunes. Siya ang pinakaunang national official sa Pilipinas na nakakuha ng sakit na COVID-19.

"It is with sadness that I announce that I am positive for COVID-19," ayon sa Senador. Wala rin itong mga sintomas o nararamdaman. Ito ay matapos na isailalim ang sarili sa boluntaryong pag-isolate, matapos magtungo sa isang hearing ng Senado tungkol sa COVID-19 nitong Marso 5.

Nag-negatibo naman si Sen. Nancy Binay matapos lumabas ang resulta, na dumalo rin ito sa nasabing pagpupulong. Gayundin si Sen. Win Gatchalian na naghihintay ng resulta matapos ilagay ang sarili sa isolation at mag-self quarantine.

Nasa 140 katao na sa Pilipinas ang tinamaan ng nasabing sakit. 3 sa mga ito ay naka-recover na at 8 naman na ang mga namatay. Ang iba pa ay nakalagak pa sa mga ospital. Ang nasabing sakit ay nagmula pa sa Wuhan, China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page