P-Duterte, negative sa COVID-19
- Mylene Alfonso
- Mar 15, 2020
- 1 min read

Negatibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito mismo ang kinumpirma ni Senador Christopher ‘Bong’ Go matapos na sumailalim sa pagsusuri ang Pangulo.
Maging ang senador ay negatibo rin sa COVID-19.
Matatandaang sumailalim sa COVID-19 testing, ang dalawang opisyal matapos na ilang cabinet officials ang nag-self quarantine nang makasalamuha nila ang isang nagpositibo sa naturang sakit.
Tiniyak din ng senador na “fit and healthy” sila para sa pagsisilbi sa bansa.





Comments