top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lazada rider na tulak, arestado

  • Maeng Santos
  • Mar 15, 2020
  • 1 min read

Isang Lazada driver na sideline umano ang magtulak ng ilegal na droga ang arestado matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon.

Kinilala ang suspek na si Joseph Bernard Capinig, 21, residente ng Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PSSg. Carlito Nerit, Jr., alas-12:45 ng hatinggabi nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni Valenzuela Police Chief P/Col. Fernando Ortega ang buy-bust operation kontra sa suspek sa R. Delfin St., Marulas.

Matapos bentahan ng suspek ng isang sachet ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P200 marked money, agad itong dinamba nina PSSg. Gabby Migano at PSSg. Alvin Olpindo.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang sachets ng shabu, tatlong sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana, buy-bust money, glass pipe na may bahid ng marijuana at P160 cash, gayundin ang gamit nitong motorsiklo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page