top of page
BIDA - KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS-IG _kuhledesma &reallys

Kaalaman tungkol sa Nephrotic Syndrome

  • Shane Ludovice
  • Mar 15, 2020
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol sa Nephrotic Syndrome? Ano ba ang dapat gawin upang hindi lumala ang sitwasyon kapag may ganitong sakit? - Yesang

Sagot Kapag may Nephrotic Syndrome, ibig sabihin ay naglalabas ng protina ang mga kidney ng pasyente at ito ay nagdudulot ng pamamanas ng mukha at mga paa.

Ang pagkakaroon ng sakit sa kidney ay napakahirap dahil nangangailangan ang pasyente ng dialysis at alam nating may kamahalan ang procedure na ito.

Kinakailangang mag-ingat sa mga pagkaing mayaman sa protina (high protein diet) dahil ito ang nagpapahirap sa trabaho ng kidney na may problema.

Mahalagang pangalagaan natin ang ating kidney habang tayo ay bata pa at makatutulong ang mga sumusunod:

  1. Uminom ng walong basong tubig sa maghapon para mapanatiling malinis ang ating katawan at maging healthy ang ating kidney.

  2. Iwasan o bawasan ang maaalat na pagkain tulad ng tuyo, daing at instant noodles, maging ang mga sawsawan na maaalat tulad ng patis, toyo, bagoong at iba pa.

  3. Bawasan kung hindi maiiwasan, lalo na sa kabataan, ang pagkain ng junk food o mga sitsirya.

  4. Iwasan ang pag-inom ng mga pain reliever hanggat kaya. Masama ang araw-araw na pag-inom ng pain reliever, masisira nito ang kidney.

Importante ang regular na pagpapa-check up sa doktor nang sa gayun ay mabigyan ng karagdagang payo tungkol sa sakit na ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page