top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ipinanganak sa Metal Ox, suwerte sa negosyo ngayong 2020 pero magulo ang relasyon sa partner

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 14, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Ituloy natin ang pag-aanalisa sa magiging kapalaran nilang mga isinilang sa animal sign na Ox o Baka ngayong 2020.

Noong mga nakaraang araw, tinalakay natin ang kapalaran ng Earth Ox (2009 at 1949), ganundin silang Fire Ox (1997 at 1937), Wood Ox (1985) at Water Ox (1973) at sa pagkakataong ito, tatalakayin naman natin silang mga Ox na under sa metal na isinilang noong 1961.

Kung ikaw ay isinilang noong 1961, ikaw ay tatawaging Metal Ox. Sinasabing ngayong 2020, kung paiiralin mo ang likas na katalinuhan at pagiging praktikal, siguradong anumang suliranin ang dumating sa iyong buhay, mas malaking tagumpay at paglago ng kabuhayan ang iyong makakamit.

Dagdag pa rito, dahil magiging produktibo ngayong taong ito, maaari ka ring magdagdag ng iba pang uri ng kalakal at investment dahil ito ay tiyak na kikita ng malaking halaga at ang ikinaganda pa rito, mas malaking halaga ang kikitain mo ngayon kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Ngayong 2020, magkakaroon din ng mga oportunidad sa iyong buhay kung saan ikaw ay direktang makikisangkot sa nangyayari sa iyong kapaligiran na hindi mo dapat tanggihan.

Sapagkat ito ang pagkakataon upang maipakita mo ang iyong pagiging tunay na leader kung saan mayroon kang kakaibang galing sa pamumuno at pagtulong sa iyong kapwa na sa sandaling kinarir mo ang ganitong atas ng tungkulin, bukod sa marami kang matutulungan, lalo pang magkakaroon ng value at meaning ang iyong buhay na magdaragdag ng iyong inner happiness sa buong taon.

‘Yun nga lang, sa lahat ng accomplishments at magagandang kapalarang nakamit, tulad ng dati nang nangyayari at mangyayari pa ulit, may manaka-nakang hindi pagkakaunawaang magaganap sa inyong pamilya, lalo na sa iyong partner sa buhay, pero in the long run, ang mga problemang nabanggit ang lalo pang magpapatatag at magpapatibay sa samahan ng inyong pamilya, basta wala lang bibigay o magsasawa sa inyong dalawa.

Sapagkat tulad ng palagi nating sinasabi, anumang pagsubok ang dumating sa relasyon, tandaang sa bandang huli, ang pinakamahalaga pa rin ay ang mapanatiling buo at masaya ang inyong pamilya hanggang sa inyong pagtanda at hangga’t ang mga bata ay may kani-kanya na ring pamilya.

Sa kalusugan, dahil patuloy ang banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19, hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo, mas maganda kung iwas-iwasan muna ang paglabas-labas ng bahay, lalo na sa mga matataong lugar. Hindi rin dapat magpuyat at iwasan din ang mga

gawaing nakai-stress ng isipan at emosyon.

Sa pangkalahatan, sa sandaling natapos ang problemang ito ng buong mundo hinggil sa nasabing virus, babalik na ulit sa normal ang lahat at tulad ng nasabi na, sa gitna hanggang huling quarter ng taon, makakamit mo na ang positibong ipinapangako ng Year of Metal Rat — sa tulad mong Metal Ox, isang masagana, maligaya at asensadong pamumuhay ngayong buong 2020.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page