Manila Bay at batang Baclaran, pansolo sa WTA

Tatlong kalahok sa “Additional One Win in Group Races” ang panigurong pamuntos sa Winner Take All (WTA) sa Metro Manila Turf Club Inc (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.
Magaganap din ang Pick 6, Pick 5 at Pick 4 kasama ang Trifecta, Quartet at Pentafecta. Binibigyan ng panalo ng tatlong kalahok sa magkakahiwalay na laban ang Manila Bay, Batang Baclaran at couple entry na Power Hook at Suzie Cat.
Sa Race 1, kung saan mag-uumpisa ang WTA nakalalamang ang Lady of Peace na makakalaban ang Oh Lala isama sa Trifecta at Quartet ang Tubig at Langis at Balicasag. Sa Race 2, simula ng Pick 6, ipinapatok ang Manila Bay habang makakalaban ang Sizzling Hot.
Sa Race 3, umpisa ng Pick 5 tatlong kalahok ang napipili kung maglalaban, Rosario Princess, Rafa, Taranasakalyos at couple entry na High Ranks at King Polonius. Sa Race 4, ipinapatok ang Batang Baclaran at isama sa Trifecta at Quartet ang Lockdown, Sure to Win at Indiana Sky.
Sa Race 5, puwedeng solohin ang couple entry na Charger at Kusing isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Classy Babe, Boy’s of Meadows, Thy Will at Jersy Savings.
Sa Race 6, nakalalamang ang couple entry na Suzie Cat at Power Hook, makakalaban ang Dangerous Willie at My Priviledge. Sa Race 7, nakalalamang ang Magaskawee sa couple entry na Puso sa Paraiso at Yes I Will, isama ang Batas Kamao at couple entry na Girl on Fire at Sweetness sa Quartet at Pentafecta. WTA=3-4/6/2-3-5-7/5/1/3/3-5; Pick 6= 6/2-3-5-7/5/1/3/3-5; Pick 5= 2-3-5-7/5/1/3/3-5 Pick 4= 5/1/3/3-5





Comments