top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Magsasaka, sugatan sa bomba

Pabs Hernandez III
Mar 11, 2020
1 min read

AGUINDANAO—Sugatan ang 44-anyos na magsasaka nang masabugan ng bomba kamakalawa sa Bgy. Saniag, Ampatuan.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama shrapnels sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Ricky Biang, nakatira sa naturang barangay.

Nabatid na naglalakad umano si Biang patungo sa bukid nang biglang may sumabog na bomba sa dinaraanan nito.

Kaagad dinala ng mga residente si Biang sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente para madakip ang nagtanim na bomba sa dinaanan ng biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page