top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kinita abroad bilang turista, papatawan pa rin ng buwis sa ‘Pinas

  • Persida Acosta
  • Mar 11, 2020
  • 1 min read

Dear Chief Acosta, Nag-abroad ako upang mamasyal lamang bilang turista. Pero pinalad akong makakuha ng panandaliang pagkakakitaan nang hindi ko inaasahan. Ngayon, pagdating ko ng Pilipinas, may nakapagsabi sa akin na maaari raw akong mapatawan ng buwis sa kinita ko abroad. Nais kong malaman kung maaari pa ba talaga akong mapatawan ng buwis kahit ang kinita ko ay hindi galing sa Pilipinas kundi sa ibang bansa? - Bowie

Dear Bowie, Nakasaad sa ating National Internal Revenue Code (“NIRC”) o mas kilala sa tawag na “Tax Code” na ang mamamayan ng Pilipinas ay dapat patawan ng buwis sa mga kita sa loob o labas man ng bansa, viz:

“SEC. 23. General Principles of Income Taxation in the Philippines. - Except when otherwise provided in this Code:

A. A citizen of the Philippines residing therein is taxable on all income derived from sources within and without the Philippines; xxx xxx xxx.”

Ayon sa inyong inilahad, bilang mamamayan ng Pilipinas na nagkaroon ng kita sa ibang bansa, kayo ay maaari pa ring mapatawan ng buwis base sa nabanggit na probisyon ng batas sapagkat ayon dito, ang buwis sa kita ay ipinapataw maging sa loob o labas man ng Pilipinas ito kinita.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page