top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Humabol sa nanay.. 4-anyos pisak sa trak

Levi Gonzales
Mar 11, 2020
1 min read

Patay ang apat na taong gulang na lalaki matapos masagasaan ng trak sa kahabaan ng Bgy. San Ignacio, Rosario, Batangas.

Sa imbestigasyon ni PSSg. Samuel Diesta, alas-8:30 ng umaga, humabol umano sa ina ang biktimang si Jacob Gutierrez, nang salubungin ng Isuzu Elf Truck na minamaneho ng suspek na si Nelson Pinza, 49, ng Bgy. Lumbangan.

Pumailalim pa ang biktima sa sasakyan kung saan nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at ibang bahagi ng katawan.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page