Security Supreme, wagi sa Maiden Race
- Ding Taboy
- Mar 10, 2020
- 1 min read

Maganda ang kinalabasan na laban sa ikinasang Philracom Rating Based Handicap System (PRBHS) races sa naging pukpukan ng bawat kalahok sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), Malvar, Batangas. Tinalo ng Security Supreme ang Dream Dream Dream at iba pang kalahok na magandang kinalabasan ng 1st Winner Take All (WTA) na nagbigay ng P530,823.40 ang dibidendo. Nagwagi ang Storm Shadow sa Race 2 makaraang payukuin ang mga liyamado. Sumunod na nanalo sa Race 3 ang dehadong si Happy Maggie makaraang talunin ang liyamadong Harapin Mo, Cinco del Drinco at Mini Model sa Philracom RBHS. Sa Race 4, ng 2nd WTA nagwagi ang dehado, ang Genius Cole na tip ni Ayra Herrera nang talunin ang kalahok na Good Reason, Bunso sa 3YO & Above Maiden Race. Sa Race 5, nanalo ang Kid Kenshin matapos talunin ang mga kalaban at nagbigay ng dibidendo sa 1st pick 5 ang pagkakapanalo ng Just Got Lucky na nagbigay ng dibidendo na P14,952.80. Sa Race 7, nagbigay ng dividendo sa 1st WTA(4/4/1/2/9/1/10) P530,823.40 makaraang manalo ang Lady Sansa at naghatid din ng 1st Pick 6 sa kumbinasyong (1/2/9/1/10/1) P93,372 makaraang manalo ang Security Pass sa Race 8. Nagbigay naman ng dibidendo sa 2nd WTA (2/9/1/10/1/8/2) P215,039.60 sa pagkakapanalo ng Apo sa Race 10. Nagbigay ng dibidendo sa Pick 6 ng P62,586.00 (10/1/8/2/3/1) at sa 3rd WTA P719,888.20 sa kumbinasyon (1/10/1/8/2/3/1) sa pagkakapanalo ng Momentum.





Comments