Sa kuwarto sa police station.. Hepe at babaeng preso, huli sa kama

Nanganganib na masibak sa serbisyo bukod pa sa kahaharaping mga kaso ang chief of police sa bayan ng Argao sa Cebu, matapos mahuling may mga kasamang babaeng bilanggo na natutulog sa kuwarto nito sa istasyon ng pulisya.
Tinukoy ni Police Col. Ronald Lee, acting director ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), ang chief of police na si Maj. Ildefonso Miranda, Jr.
“Major Miranda and (the female inmate) were found sleeping in one bed, while the other female inmate was deep in her slumber at the police chief’s office. This won’t be tolerated,” diin ni Lee.
Ang dalawang babaeng inmate ay kapwa nahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga at nahuli sa magkahiwalay na operasyon.
Inirekomenda na ng IMEG kay Brig. Gen. Albert Ferro, director ng Central Visayas Police, ang pagsasagawa ng summary dismissal proceedings laban sa inaakusahang opisyal.
Ayon kay Lee, isinailalim sa surveillance si Miranda matapos makatanggap ng impormasyon na may natutulog na mga babaeng preso sa kanyang opisina. “Reports had it that the 46-year old police official is having sexual relationship with the female inmate in exchange for her privilege to sleep in his air-conditioned office,” ayon pa sa ulat ng IMEG.
Isang larawan ang inilabas ng PNP na nagpapakita na ang isa sa mga inmate na babae ay nakasuot ng pantulog habang ang isa pang bilanggong babae ay sinasabing helper ni Miranda.
Kinumpiska na ang mga service firearm ni Miranda nang siya ay arestuhin.
Nahaharap ngayon ang opisyal sa mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Article 210 ng Revised Penal Code (RPC) dahil sa Direct Bribery at Article 156 ng RPC na nagtatakda ng parusa sa sinumang mag-aalis sa piitan ng isang detenido sa pamamaraang marahas, intimidasyon o panunuhol.





Comments