top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Drug lord, 2 pa arestado sa P102-M shabu

  • Janice Baricuatro
  • Mar 7, 2020
  • 1 min read

Tinatayang P102 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa pagkakaaresto sa tinaguriang drug lord at distributor ng droga sa buong CALABARZON, NCR at Mindanao at dalawang iba pa sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ronnie Mordiquio Menodiado alyas Boy, 38, tinaguriang drug lord sa Cavite area, NCR at Mindanao, residente ng Pasay City; Victorio Vida Najera, 35, ng Pasay City at Annnie Rose Torres Lingua alyas Ate, 30, ng Iligan City.

Ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation na tinawag na COPLAN-“Magellan” ang PDEA IVA, PDEA RO-NCR, PDEA RO IX at sa pakikipagkoordinasyon sa Bacoor City Police Station sa Molino Blvd. corner Aguinaldo Highway, Talaba 4, na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo.

Narekober sa kanila ang 15 open green foil packs na Chinese teabag na naglalaman ng hinihinalang shabu o tinatayang 15 gramo na may street value na P102 milyon; buy-bust money; cellphone at motorsiklo.

Ayon sa PDEA, maituturing na drug lord si Menodiado dahil siya ang pinanggagalingan ng droga at marami itong tauhan at mga distributor.

Paliwanag ng PDEA, walang physical exchange sa palitan ng droga kung saan ang kanilang modus operandi ay ida-drop ang droga sa pinag-usapang lugar gamit ang isang sasakyan, kukunin naman ng kausap at iiwan naman ang pera na gamit ang mga duplicate key ng sasakyan.

Dagdag pa ng PDEA na base sa kanilang imbestigasyon, si Menodiado ay nagsu-supply ng droga sa buong Cavite at CALBARZON area, National Capital Region hanggang sa Mindanao.

Ang tatlo ay pawang nakakulong na sa PDEA-Cavite Custodial Center.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page