Walang ipinagkaiba sa labs mo, Andrea… Ipinalit ng ex-GF kay Derek, hunk at may abs din
Nitz Miralles / Bida

Photo: @villablancs
Nakita namin sa post ni Louie Heredia na isinama ni Derek Ramsay ang kanyang GF na si Andrea Torres sa event ng Cara Welfare Philippines na ginawa sa bahay ng British Ambassador to the Philippines na si Daniel Pruce at wife nitong si Mrs. Rachel Morgan-Pruce.
British ang dad ni Derek kaya may rason para sila maimbita at maging present sa event. Natutuwa ang mga fans nina Derek at Andrea na laging isinasama ng aktor ang GF sa mga lakad nila ng kanyang pamilya.
Sa ganu’ng paraan at kahit hindi pa kasal, nakaka-bonding na ni Andrea ang parents ni Derek at wala nang adjustment sakaling matuloy sa altar ang kanilang relasyon.
Tanong lang ng mga fans nina Derek at Andrea, bakit hindi nagge-guest ang magdyowa sa mga shows ng GMA-7 habang hinihintay ang bago nilang teleserye na Sanggang Dikit?
Nami-miss nila sina Derek at Andrea at sana raw, mag-guest ang dalawa sa Magpakailanman.
Anyway, naka-move on na ang ex-GF ni Derek na si Joanne Villablanca dahil may boyfriend na rin ito na hunk din at may abs. May nag-comment nga sa IG account ni Joanne na parang si Derek ang BF niya.





Comments