Pinagbabaril.. Riding-in-tandem na-wow mali sa van ni Kim
- V. Reyes
- Mar 6, 2020
- 1 min read

Palaisipan pa rin sa Quezon City Police District (QCPD) ang pananambang sa van ng ABS-CBN actress na si Kim Chiu.
Ayon kay Major Elmer Monsalve, isa sa kanilang tinitignang anggulo ay napagkamalan lang ang van ng aktres.
Una rito, nakaligtas si Chiu, ang kanyang personal assistant at drayber nang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang sinasakyan nilang van habang nasa bisinidad ng
Katipunan Avenue kanto ng C.P. Garcia Avenue sa Quezon City, kamakalawa ng umaga.
Hawak na ng Special Investigation Task Group Chiu ang CCTV footage ng paglabas ng kotse ng aktres sa Katipunan Avenue alas-6:00 ng umaga.
Batay sa video, matapos lumabas ng kalsada ng van ay humahabol ang riding-in-tandem sa likod ng sasakyan.
Tumama ang lahat ng bala ng baril sa kanang bahagi ng sasakyan. Isasailalim naman sa cross matching ang nakuhang bala sa van ni Chiu.





Comments