top of page
Pokwang.jpg

Patago raw na pumasok.. 3,000 sundalong Chinese nasa ‘Pinas

Mylene Alfonso
Mar 6, 2020
1 min read

Hinihintay pa ng Malacañang ang validation kaugnay sa presensiya umano ng 2,000 hanggang 3,000 miyembro ng People’s Liberation Army ng China sa Pilipinas.

Ito ay matapos sabihin ni Senador Panfilo Lacson na nakatanggap siya ng impormasyon na maraming miyembro ng PLA ang patagong pumasok sa bansa para sumali umano sa immersion mission.

Nakatitiyak naman si Presidential Spokesman Salvador Panelo na gumagawa na ng validation ang Armed Forces of the Philippines lalo na’t isang senador na ang nagsiwalat sa naturang impormasyon.

Sa kasalukuyan, sinabi ng opisyal na hangga’t wala pang resulta ang validation ay mananatili bilang espekulasyon ang naging pasabog ni Lacson.

Nabatid na ang PLA ay ang sandatahang lakas ng China, at isa sa pinakamalaking puwersa sa buong mundo.

Matatandaang, noong nakaraang linggo, narekober ng mga awtoridad ang PLA IDs ng dalawang Chinese na suspek sa pagpatay sa kanilang kababayan, na pinagbabaril sa loob ng VIP room ng isang restoran sa Makati City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page