Pabuya vs. gunman ng gas station attendant

Nag-alok ng tig-P200,000 pabuya ang Erwin Tulfo Action Center at ACT-CIS Partylist para sa agarang pagkadakip sa pumatay sa 29-anyos na gas station attendant, nitong Sabado sa Cabanatuan City.
Sa CCTV footage ng Fuel Gold gasoline station, kitang binaril sa ulo ng riding-in-tandem si Bernadette Mamangon, 29, gasoline attendant.
Nagpanggap na customer ang dalawang holdaper saka binaril ang biktima bago tinangay ang pera ng gasolinahan.
Ayon kay Lt. Col. Arnel Dial, napatay sa engkuwentro sa isinagawang follow-up operation ang hindi pa nakilalang driver ng motorsiklo habang nakalalaya ang gunman sa krimen.
Dahil dito, naglagak ng tig-P200,000 pabuya ang ACT-CIS Partylist sa pangunguna ni Cong. Eric Go Yap at ang Erwin Tulfo Action Center para agad madakip ang gunman.
Nabatid pa na nag-overtime lamang ang biktima para may panghanda sa isa sa tatlong anak na magdiriwang ng kaarawan nang maganap ang krimen.





Comments