P300-K na multa at 4 yrs. kulong sa magbebenta ng karne ng pawikan
- Persida Acosta
- Mar 6, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Nalaman ko na ang karinderya na madalas kong kinakainan ay nagtitinda ng nilagang pawikan. Sa katunayan, ito raw ang kanilang bestseller at marami ang umo-order nito. Nang tanungin ko ang tindera na siya ring may-ari nito kung saan sila nakakakuha ng karne ng pawikan, ang sabi niya ay mayroon daw nagde-deliver sa kanila nito araw-araw. Nais kong malaman kung legal ba sa ating batas ang pagtitinda ng karne ng pawikan? - Mari
Dear Mari, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 27, Chapter IV ng Republic Act No. 9147 o mas kilala sa tawag na “An Act Providing For The Conservation And Protection of Wildlife Resources And Their Habitats, Appropriating Funds Therefor And For Other Purposes” kung saan nakasaad na;
“Section 27. Illegal Acts. - Unless otherwise allowed in accordance with this Act, it shall be unlawful for any person to willfully and knowingly exploit wildlife resources and their habitats, or undertake the following acts;
x x x
e) trading of wildlife;” [Binigyang-diin.]
Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ilegal ang pagbebenta ng mga wildlife kung saan kabilang ang mga pawikan. Ang pagbebenta at pagkakalakal ng karne ng pawikan ay may karampatang parusa na multa at pagkakakulong sang-ayon sa Section 28 ng Republic Act No. 9147 kung saan nakasaad na:
“Section 28. Penalties for Violations of this Act. For illegal acts under paragraph (e), the following penalties and/or fines shall be imposed:
a. imprisonment of two (2) years and one (1) day to four (4) years and/or a fine of five thousand pesos (P5,000) to three hundred thousand pesos (P300,000), if inflicted or undertaken against species listed as critical;
b. imprisonment of one (1) year and one (1) day to two (2) years and/or a fine of two thousand pesos (P2,000) to two hundred thousand pesos (P200,000), if inflicted or undertaken against endangered species; xxx”
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito.
Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments