top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

NU-Nazareth, pokus sa finals vs. Baby Tamaraws sa Game 1

  • VA
  • Mar 6, 2020
  • 1 min read

Photo: UAAP

Kasunod ng naitalang 14-game sweep sa nakaraang éliminations, nakapokus ngayon ang defending champion Nazareth School of National University sa finals ng UAAP Season 82 Juniors Basketball Tournament na uumpisahan sa hapong ito sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Magsisimula ang muling salpukan ng Bullpups at Far Eastern University-Diliman Baby Tamaraws ngayong 3 p.m. para sa Game 1 ng finals.

Magtatangka ang Bullpups ni coach Goldwyn Monteverde na duplikahin ang naitalang season sweep ng kanilang counterparts na Ateneo de Manila Blue Eagles at NU Lady Bulldogs sa men’s at women’s division ayon sa pagkakasunod.

Ngunit, ayon sa pahayag ni Monteverde, wala silang babaguhin dahil parehas pa ring paghahanda na mistulang susuong sa isang do-or-die game ang kanilang gagawing preparasyon.

“We have to finish what we started. Same pa rin, we will prepare for our next game the same way,” saad ni Monteverde patungkol sa nakatakdang pagsalang nila sa finals sa ika-9 na sunod na pagkakataon.

Muling sasandig ang Bullpups para sa hangad na back-to-back titles sina Terrence Fortea, Gerry Abadiano, Carl Tamayo, Kevin Quiambao at Reyland Torres.

Sa kampo ng FEU, inaasahang mamumuno sina Penny Estacio, Jorrick Bautista at Cholo Anonuevo, Patrick Sleat at Mark Padrones.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page