top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mas mabilis, iwas-virus pa.. Mobile app para sa pagboto — Comelec

  • Madel Moratillo
  • Mar 6, 2020
  • 1 min read

Umaasa si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na maaaprubahan sa Kongreso ang paggamit ng mobile application para sa overseas voting.

Aniya, malaking tulong ito lalo na sa panahon kung saan marami ang natatakot lumabas ng bahay, lalo na sa mga bansang may mataas na kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa pamamagitan nito, kahit nasaan ang isang overseas voter ay maaari itong makaboto gamit lamang ang kanyang cellphone.

Sa Hunyo o Hulyo ay ite-test nila ito sa San Francisco sa California para makita ang mga maaaring maging problema sa paggamit nito. Target din nila itong mai-test sa Amsterdam at Spain.

Nabatid na may apat na kumpanya na nagpahayag ng intensiyon na sumali sa bidding para rito.

Kahapon, nagsimula na ring mag-demo ang isang interesadong bidder hinggil sa teknolohiyang ito.

Ayon kay Guanzon, may kamahalan nga lang ang presyo para sa mobile app voting na tinatayang aabot sa humigit-kumulang 4 na milyong dolyar.

Pero giit ng opisyal, maliit na halaga ito kumpara sa laki ng naitutulong ng mga OFWs sa ekonomiya ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page