Malas sa lalaki, susuwertehin kapag gray at blue ang isinuot, plus silver na alahas
Dear Maestro, Bakit ganito ang buhay ko, lalo na sa love life na masyadong magulo? Ginagawa ko naman ang lahat ng kaya kong gawin sa mga nakarelasyon ko, pero ganu’n, nega-tive pa rin ang nang-yari at wala naman akong nakatuluyan? Gusto ko nang sumuko, Maestro. Sa inyong palagay, ano ang dapat kong gawin para gumanda na ang kapalaran ko, lalo na sa love life? Minsan ay naiiyak na lang akong mag-isa kapag naiisip ko ang kalagayan ko. September 5, 1989 ang birthday ko.
Umaasa, Ms. Virgo ng Zapote, Bacoor, Cavite
Dear Ms. Virgo, Ayon sa birth date mong 5 at nagkataong 5 din ang destiny number mo, (9+5+1989 =2003/ 20+03=23/ 2+3=5) at ang zodiac sign mong Virgo na may ruling planet na Mercury ay under din ng numerong 5, kaya lumalabas na ikaw ay tatawaging “pure five personality”.
At dahil nagsama-sama ang numerong singko o ang “tatlong singko” (555), siguradong magiging maganda ang kapalaran mo sa larangan ng salapi at materyal na bagay, ganundin sa aspeto ng pagla-lakbay, pagnenegosyo at pag-a-abroad. Dahil napakasuwerte mo sapagkat nagtataglay ka ng numerong 5, kaya lang pumapangit o nagiging nega-tibo ang kapalaran mo sa love life ay maaaring hindi ga-anong maganda ang iyong lagda. Kaya kung magagawa mo ay i-send mo rin ang iyong pirma upang kumpleto nating maanalisa ang iyong kapa-laran.
Samantala, kung halimbawang napaganda mo na ang iyong lagda, ang isa pang dapat mong gawin mula ngayon upang maalis ang mga kamalasan sa buhay mo, lalo na sa love life ay dapat gumamit ka ng mga alahas na silver. Mula ngayon, puro silver na ang gamitin mong alahas na nakadikit sa iyong balat at makikita mo, maaalis na ang mga negative vibration na nasasagap mo sa iyong buhay hanggang sa kusa mo nang maakit ang magaganda at positibong kapalaran.
Dagdag pa rito, dapat mo ring isuot ang mga damit o palagi kang gumamit ng kulay ng singko (5) at ang mapalad na kulay para sa mga taong singko bukod sa silver ay gray at powder blue.
Naalala ko ‘yung nakaimbento ng Facebook kung saan May 14, 1984 ang birthday niya, kaya siya rin ay taong singko dahil ang 14 ay 1+4=5. Bukod sa 5 ang birth date niya, siya ay may destiny number na 5 tulad mo, 5+14 +1984=2003/ 20+03=23/ 2+3=5. Tiyak na kilala mo na siya at ng marami, ang tinutukoy ko na founder ng Face-book ay walang iba kundi ang 36-anyos na si Mark Zuc-kerberg. At ang mahalaga rito o ang kakaiba, alam mo ba nang minsang in-interview si Zuckerberg at ipinakita niya sa media ang kanyang lalag-yan ng mga damit, iisang ku-lay lang ng damit ang maki-kita rito na palagi rin niyang isinusuot. Ito ay ang kulay gray na mga damit na kada-lasan ay pinagpapalit-palit lang niyang suotin.
Para mapatunayan mo ang katotohanang ito, tingnan mo sa internet ang kanyang mga litrato at mapapansin mo na gray at asul lang ang palagi niyang suot. Gayundin, ang isa sa pinakamabisang pormula, mula ngayon, palaging silver, gray o asul at puwede ring metallic blue ang palagi mong suotin at gamiting kulay. Sa ganyang paraan, madali mo nang maa-attract ang positibo at magandang kapalaran, lalo na sa love life at sa pakikipagrelasyon.
Dagdag pa rito, upang mas maging paborable sa iyo ang buhay, lalo na sa larangan ng pag-ibig, palagi kang makipagkaibigan sa mga taong magbibigay sa iyo ng suwerte at ang mga taong ito ay silang isinilang sa mga zodiac sign na Taurus, Capricorn, Libra, Cancer, Gemini, Pisces at kapwa mo Virgo, higit lalo silang mga may birth date na 5, 14, 23, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 9, 18 at 27.
Kapag nagawa mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit, tiyak ang magaganap ngayong taong kasalukuyan, sa edad mong 31 pataas, bago sumapit ang edad mong 32, mabilis na mababago ang iyong kapalaran. Mula sa magulo at malungkot na pakikipagrelasyon, makatatagpo ka na ng maligaya at panghabambuhay na love life, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus.




Comments