top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Korupsiyon sa immigration, garapalan, mga opisyales, talupan

  • Imee R. Marcos
  • Mar 6, 2020
  • 2 min read

Kanser na ang katiwalian sa Bureau of Immigration (BI) dahil sa samu’t saring alingasngas tulad ng Pastillas Scheme.

Nabuking na ang Pastillas “bribery” Scheme ng mga Immigration officers sa airport, mabuti na lang at may whistleblower na tulad ni Officer Allison Chiong, na mistula mang naging “Makapili” dahil sa pagbubulgar sa illegal na gawain ng kanyang mga kasamahan ay pinasasalamatan naman ng bayan ngayon.

Biruin n’yo, sa ilalim ng Pastillas Scheme, garapalan pala ang kickback ng ilang Immigration officers para makalusot sa airport ang mga ilegal na pagpasok ng mga Chinese sa bansa.

At ang mga Chinese na ‘yan, tig-P10,000 daw ang ibinibigay na escort fee sa mga Immigration officers sa airport para makapasok sa bansa at makapagtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Eh, ang mga BI official, meron daw ginagawang “rigodon” para labanan ang mga katiwalian dito, pero mukhang patse-patse o pautay-utay lang ang ginagawang aksiyon. Malala na ang sakit ng BI, kumbaga, kanser na ‘yan at mukhang malala na nang mabuking. Jusko!

Sindikato na ang namamalakad d’yan kaya kailangan na ng total overhaul! Hindi uubra ang paisa-isa o dalawa lang, you’ll never know kung hanggang saan aabot ang ugat ng anomalya.

Kung kailangang malalaking ulo sa BI ang gumulong para mapatino lang ang ahensiya laban sa korupsiyon, aba, i-go na ‘yan! Deserve nila!

Wait, remind ko pala ang mga awtoridad, please lang, markahan n’yo na ang mga pangalan ng mga bugok sa BI na sabit d’yan at ‘wag n’yo nang hayaang makapuslit pang muli palabas ng ‘Pinas! Ganern!

At kami naman sa Senado, well, always remember para kaming Closed-Circuit Television (CCTV) camera na palaging nakabantay at sumusubaybay. Hindi namin kayo titigilan hanggang hindi lumalabas ang katotohanan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page