Wala raw sa gabinete.. Korupsiyon nasa baba — P-Du30

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang sinumang miyembro ng gabinete ang dawit sa isyu ng korupsiyon. Ayon kay Pangulong Duterte, ang mas pinoproblema niya ang mga nasa ibaba hinggil sa isyu ng katiwalian sa gobyerno.
“Tingnan mo — hindi naman ako nagyayabang. Well, it’s not because of there was no corruption. Hindi mo man — sa baba. Sa baba ako. Ang problema ko sa baba talaga,” sabi ng pangulo sa kanyang talumpati sa Malacañang.
Mayroon umanong dating bahagi ng kanyang gabinete na nadawit sa iregularidad ngunit, wala na ngayon sa kanyang administrasyon.
“Not with the — itong mga Cabinet members. No, they are all clean except ‘yung — ‘yung nawala na ‘yun na ‘yon,” wika ni Pangulong Duterte.
Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, kung pag-uusapan ay katiwalian, karamihan sa nakasampa, partikular sa Ombudsman ay may kinalaman sa government-related transactions.





Comments