Nag-asawa na raw kasi, Megan… Mikael out, Vin in bilang endorser ng brief
- Julie Bonifacio
- Mar 5, 2020
- 2 min read

Kitang-kita ang saya sa mukha ng Kapamilya star na si Vin Abrenica when he signed his contract bilang bagong endorser ng sikat na underwear brand, ang Hanford, noong Martes. Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ni Vin for Hanford.
After ng pirmahan ng kontrata, inihanda ni Vin ang kanyang sarili para sa pictorial na ilalagay sa malalaking billboards ng Hanford sa Metro Manila. “Ako, excited ako sa pictorial, saka sa billboard,” bungad ni Vin.
First time kasi ni Vin na magkakaroon ng billboard na solo lang siya.
“Nagkaroon ako ng billboard dati, para sa isang brand ng damit. Kasi, ang utol (Aljur Abrenica) ko ang endorser. Tapos nagkaroon sila ng campaign na kasama ang brotherly love. Nakatagilid pa ako noon. So, akala pa nila, Borgy Manotoc ‘yun. Long hair pa kasi ako noon. Borgy??!! Pero wala lang ‘yun (billboard). Solo, ngayon pa lang,” lahad pa niya.
Pramis ni Vin ay magsusuot siya ng boxer shorts sa pictorial na ilalagay sa billboard. Isang gay showbiz writer ang nagtanong kay Vin kung ikatutuwa ba ng LGBTQ+ ang pagsusuot niya ng Hanford boxer shorts sa billboard.
“Tingin ko naman. Hindi pa ako nagbi-brief, ‘di ba? Sa mga pictorial, hindi pa. Pants lang ako lagi,” ngiti ni Vin.
Sabi naman namin kay Vin, huwag muna siyang magpakasal sa long-time girlfriend niya na si Sophie Albert para ‘di agad siya mapalitan as endorser ng Hanford after two years.
Feeling kasi ng members ng media na naimbitahan sa contract signing niya sa Hanford, eh, nag-asawa na kasi ang dating endorser ng kilalang underwear na si Mikael Daez kaya siya pinalitan ni Vin.
“Mikael is a good person. Hanga ako sa kanya kasi ang favorite part of my body is panga. So, siya, mapanga rin. So, nakikita ko na meron kaming koneksiyon. So, ako, he’s always been the face of Hanford. Kapag iniisip mo ang Hanford, Mikael Daez, automatic ‘yun. I’m very thankful sa kanya kasi kailangan kong mag-set ng standard.
Kasi, Mikael Daez is Mikael Daez. So, sa akin, kailangan kong tapatan ‘yun.”
Eh, ano naman ang ginagawa niya para matapatan o mahigitan pa ang ginawa ni Mikael for Hanford?
“Alam n’yo na, nagbubuhat. Hahaha!”
Tanong ulit kay Vin ng media, sa tingin ba niya, mas sexy siya kay Mikael? “Ay, naku. Puwede bang tanungin na lang natin ‘yung mga dyowa namin. Tanungin ninyo na lang si Megan (Young, misis ni Mikael) kung sino ang mas sexy sa amin,” sabay tawa ni Vin.
Alam nah!
Comments