top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Levert at Leonard, inakay ang Nets at Clippers

  • MC
  • Mar 5, 2020
  • 1 min read

Nakaporma si Caris LeVert ng career-high 51 points, 37 mula sa 4th quarter nang tangkaing habulin ng Brooklyn Nets ang 21 puntos na pagkaiwan upang gitlain ang Boston Celtics, 129-120 sa NBA overtime game kahapon.

Bumira si LeVert ng 11 puntos para sa Nets sa ekstrang peryodo at lampasan ang 21 turnovers upang putulin ang apat na sunod na pagkatalo. Dumagdag si Timothe Luwawu-Cabarrot ng 16 points para sa Brooklyn.

Si Jaylen Brown ay may 22 points, habang si Kemba Walker ay umiskor ng 21 sa pagbabalik niya sa hindi paglalaro sa limang laro bunga ng knee injury kontra Celtics, na natalo ng ikalawang sunod sa unang pagkakataon mula Enero 16-18. Umiskor ang Nets ng franchise-record 51 points sa fourth quarter upang lampasan ang 71-50 na pagkaiwan sa nalalabing 6:28 minuto sa third quarter. Pumasok sila sa 4th quarter sa iskor na 84-67.

Samantala, bumasket si Kawhi Leonard ng 25 points upang bitbitin ang Los Angeles Clippers sa 109-94 road win laban sa Oklahoma City Thunder.

Nagwagi ang Clippers ng dalawa sa tatlong laro kontra Thunder ngayong season. Hindi sumalang si Leonard sa unang dalawang laro sa pagitan ng mga naturang teams.

Mabilis siyang nakarekober sa Oklahoma City, umiskor ng walo sa unang first-quarter points at mabilis na nakalamang ang Clippers. Nakapagwagi na ang Los Angeles sa lahat ng siyam na laro nang walang mga nai-injured na players.

Sa iba pang resulta ng laban, nalusutan ng Sacramento Kings ang Charlotte Hornets, 104-103; nagwagi ang Golden State Warriors vs. Denver Nuggets, 116-100; nanalo ang Toronto Raptors vs. Phoenix Suns, 123-114; hindi nakaporma ang Philadelphia sa Lakers, 120-107; nanalo ang Sacramento Kings, 133-126 vs. Wizards.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page