top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Wala pa raw nakikitang kapalit.. Next president, dapat na handang pumatay sa ngalan ng kaligtasan —

  • Mylene Alfonso
  • Mar 4, 2020
  • 1 min read

Wala pa umanong nakikita si Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na magiging lider ng bansa sa sandaling matapos ang kanyang termino sa 2022.

Giit ni Pangulong Duterte, ang katangian ng isang pangulo ay dapat na handang pumatay sa ngalan ng kaligtasan ng publiko.

“We’re getting old and the young are there. Wala pa akong nakitang new crop of politicians dito sa ating bayan. Frankly, wala akong nakita na puwede talagang maging presidente,” sabi ni P-Duterte sa kanyang talumpati sa panunumpa ng mga bagong talagang opisyal ng gobyerno sa Malacañang.

“Sa totoo lang presidente ka at hindi ka marunong pumatay at takot ka pumatay, eh, ‘wag ka na maging presidente. Walang mangyayari sa bayan kung puro utos ka lang,” saad ng Pangulo.

“In the end, ikaw pa ‘yung kontrabida. Ikaw na ang gumawa para ikaw talaga ang bida,” wika pa ng Punong Ehekutibo.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng dating top aide at ngayo’y Senador na si Christopher ‘Bong’ Go.

Matatandaang, minsan nang nanukso ang Pangulo kay Go na tumakbo sa pagka-pangulo na agad namang tinanggihan ng senador. Una ring lumutang ang pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na posibleng pambato sa presidential elections sa 2022.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page