Sa mga single r’yan, alam n‘yo na! Babaeng hindi active sa sex, maagang nagme-menopause
- Jersey Sanchez
- Mar 4, 2020
- 2 min read

Kapag usapang menopause, kadalasang bida ang mga momshie nating malapit nang maging golden lady. Agree?
Well, true naman na sila ang prone rito, pero paano kung hindi lang pala sila ang malapit nang mag-menopause?
Alam n’yo ba na ang kababaihang hindi madalas na nakikipagtalik ay mas maagang nagme-menopause? Weh, ‘di nga?
Base sa pag-aaral na isinagawa sa 3,000 kababaihan sa US sa loob ng isang dekada, ang hindi pagiging active sa sex ay maaaring mauwi sa early menopause.
Ayon sa mga researchers, hindi nila ginaya ang resulta ng ibang pag-aaral na nagsasabi na ang pagkakaroon ng asawa ay may kaugnayan sa ANM o age of natural menopause, pero sa pag-aaral na ito, ipinakita nila na ang mataas na sexual frequency habang nasa pre at perimenopause period ang nakapagpapababa ng tsansa na makaranas ng early menopause.
Paliwanag ng lead author na si Megan Arnot, Ph.D., kapag hindi nakikipagtalik ang babae, walang tsansang mabuntis ito kaya naghahanap ng paglalaanan ng enerhiya ang kanyang katawan.
Ang mga babaeng kalahok sa pag-aaral ay nasa edad 45. Ipinaalam din nila sa mga researchers kung gaano kadalas silang nakikipagtalik, gayundin, kung anong uri ng sex ito.
Sa loob ng sampung taon, 45% ng kalahok ang nakaranas ng natural menopause sa edad na 52.
Napag-alaman ng mga researchers na ang mga babaeng may sexual activity kada linggo, 28% ang tsansa na makaiwas sa maagang menopause kumpara sa kababaihang nakikipag-sex ng isang beses kada buwan habang 19% naman para sa mga nakikipagtalik nang mas madalang sa isang beses kada buwan.
Naku, mga besh, kailangan din palang maging aktibo sa pakikipagtalik para makaiwas sa maagang menopause. Ha-ha-ha!
Kaya para sa mga momshie r’yan na ayaw dumanas ng early menopause, alam n’yo na, ha?
Gets mo?





Comments