Problemado sa pera.. Mag-asawa sabay nagbigti, patay

Namamaga na ang katawan ng mag-asawang dayuhan nang matagpuan na pinaniniwalaang sabay na nagbigti, kamakailan sa San Miguel, Manila.
Sa naantalang ulat ng Manila Police District-Homicide Section, kapwa Pruvian national ang dalawa at nasa edad 55-60.
Nakita pa sa sala ang tatlong bundle ng tig-P20 at siyam na brown envelope na may nakalagay na pangalan ng kanilang mga workers at may iniwang sulat na may nakasaad na “please extend the salary to my boys”.
Ayon kay Roel Rivera, 38, cook at empleyado ng mga biktima, huli niyang nakita ang mga ito noong Pebrero 24 na nagsasara ng kanilang kantina na matatagpuan sa Sampaloc.
Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Allan Lingcong, alas-3:00 ng hapon nang humingi ng tulong kay Bgy. Chairman Lino Lim ng B640 Z65 ang kanilang cook na si Rivera matapos makaamoy ng masansang sa bahay ng mga biktima noong Pebrero 28.
Pinuntahan umano ni Rivera ang mag-asawa pero, walang sumasagot at nang makaamoy ng masansang ay humingi siya ng tulong kay Lim.
Pagbukas, dito na tumambad ang walang buhay na mag-asawa.
Samantala, hinihinalang problemang pinansiyal ang dahilan ng kanilang pagpapakamatay.





Comments