top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

NBA players, iwasang makipag-high five sa fans

MC
Mar 4, 2020
1 min read

Inabisuhan ng NBA ang mga players na iwasan ang makipag-high-five sa fans at sa mga hindi kakilala at iwasan din ang paghawak ng anumang bagay na iniaabot para sa autographs, alinsunod na rin sa responde ng liga sa kasalukuyang monitoring ng coronavirus crisis na kumalat na sa ibang sulok ng mundo.

Sa memo ng liga sa mga koponan noong Linggo na ipinasa sa media ng Lunes, inirekomenda ang 10 bagay na paalala sa mga players upang hindi sila mahawahan ng deadly virus. Huwag hahawak sa pen ng iba, markers, bola at jerseys mula sa mga taong magpapa-autographs.

Ang NBA ay kumonsulta sa “infectious disease experts, kabilang na ang Centers for Disease Control” at infectious disease researchers sa Columbia University sa New York. “We are also in regular communication with each other, NBA teams including team physicians and athletic trainers, other professional sports leagues, and of course, many of you,” ayon sa memo ng liga sa mga teams, sa kanilang mga doktor at athletic training staffs.

Ilang players ay sumusunod na rin sa payo ng mga eksperto. “Corona,” ayon kay Bobby Portis ng New York Knicks na ilan lang sa kanyang fans ang kanyang binigyan ng fist-bump bago kaharapin sa laro ang Houston Rockets. Seryoso naman hinggil sa naturang bagay si Portland guard CJ McCollum sa kanyang tweet noong Sabado. Nag-retweeted din si McCollum ng ilang beses hinggil sa virus-related posts mula noon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page