top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Naliligo sa malinaw na batis, senyales na gusto ng wagas at totoong love

  • Socrates Magnus
  • Mar 4, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ana na ipinadala sa Facebook Messenger. Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na naliligo ako sa batis o ‘yung ilog na umaagos at may malinaw na tubig? Ayaw ko nang umuwi dahil ang gusto ko ay maligo na lang sa batis.

Naghihintay, Ana

Sa iyo Ana, Kapag ang buhay ay pawang kalungkutan, ang tao ay mananaginip ng mga senaryo na siya ay lumiligaya. Kapag ang napanaginipan ay naliligo sa malinaw na batis, ang nanaginip ay naghahangad ng tunay at wagas na pagmamahal.

Ito ay madalas mapanaginipan ng mga walang boyfriend o karelasyon, as in, ang mga zero ang love life ang mas madalas na makapanaginip ng malinaw na tubig kung saan sila ay naliligo.

Napapanaginipan din ito ng mga may love life at minsan, pati ang mga may asawa na ang marriage life ay hindi maganda hanggang sa sobrang pangit na talaga.

Kaya makikitang ikaw ay malungkot at hinihiling mo na sana ay matagpuan mo na ang lalaking magbibigay sa iyo ng tunay at wagas na kaligayahan.

Ang maganda sa ganitong panaginip ay nagsasabing hindi magtatagal ay mahahanap na ng nanaginip ang kanyang kaligayahan.

Ang hindi naman gaanong kagandahang balita, pero sa totoo lang ay maganda rin naman ay nagsasabing kung ang nanaginip ay may kasalukuyang karelasyon, siya ay mahihiwalay dahil ang kanyang pakikipagrelasyon ay lungkot lang ang ibinubunga.

Mas magandang ihanda mo na ang sarili mo dahil sa malapit na hinaharap ay makatatakas ka na sa tanikala ng kalungkutan na noon pa man ay nagpapahirap na sa iyo.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page