Kung kelan break na kay James… Nadine, pinagpipiyestahang buntis sa laki ng tiyan
- Mercy Lejarde
- Mar 4, 2020
- 1 min read

Tinawanan lang ni Nadine Lustre ang tsismis na siya ay buntis.
Naging usap-usapan ito ng mga netizens nang kumalat ang piktyur niya sa airport kung saan kita na medyo malaki ang kanyang tiyan.
Sa isang panayam kay Nadine, sinabi nito na hindi siya buntis.
Ngayon pa nga ba naman kung kelan break na sila ni James Reid?
Hiling din niya na huwag basta maniwala ang mga tao sa kumakalat na balita lalo pa kung hindi ito galing sa kanya.
Oo nga naman. Naku, sa showbiz pa, eh, wala namang lihim na hindi nabubunyag, ‘noh!
Saka ano naman kung mabuntis siya? Si Nadine ay babae… may dugo… may laman… may matris.
‘Yun, oh!
O, siya. ‘Yun lang and I thank you.





Comments