Sexy star, todo-deny na may BF… Ivana at Mayor Dan, huling magkasama sa Bahrain, kumalat sa social m
Beth Gelena / Bulgary Files

Kumalat sa social media ang larawan kung saan magkasama si Ivana Alawi at ang aktor-pulitiko na si dating congressman-now Sta. Rosa Laguna Mayor Dan Fernandez.
Isang netizen ang nag-post ng larawan na kuha raw ng paparazzi sa Bahrain. Ayon pa sa netizen, narinig lang daw niya kahapon ng umaga sa DZBB na ibinabalita ng beteranang kolumnista na si Lolit Solis sina Ivana at Dan.
Sey ng netizen, “Watched @dzbb this morning and Lolit Solis… Ivana Alawi and Dan Fernandez daw… I was really! Then just now – saw on fb, my tita posted a paparazzi shot of Ivana and Dan in Bahrain. So I guess… she’s telling the truth.”
Sey naman ng isa pang netizen, “Matagal nang may alingasngas silang dalawa. Idinenay lang niya.”
Noon pa man ay may nagsasabi nang may relasyon diumano ang dalawa, pero idinenay ito ng sexy actress nang tanungin sa isang interbyu. Kaya naman nagulat ang mga netizens sa kumalat na larawan dahil akala raw nila ay single si Ivana.
May mga nagtatanong naman kung sino si Dan. Hindi alam ng marami na isa siyang aktor-pulitiko.
May nag-aakala pa ngang Dan Fernando raw at hindi Fernandez ang BF ni Ivana dahil alam na married ang una sa dating sexy actress na si Sheila Ysrael.
Sey ng isa pang netizen, “Asawa niya si Sheila Ysrael. Mestisa ‘yun. Mahilig sa mestisa si congressman, ha?”
Para sa kaalaman ng lahat, matagal nang hiwalay sina Dan at Sheila.
Komento pa ng iba, ‘di pa raw sumisikat si girl ay may controversy na agad.
Ang hirap daw talaga ‘pag may itinatago. Tuloy, may nagtanong kung kasama ba ni Ivana si Dan nang ipinasilip ng sexy actress ang kanyang magandang bahay sa Bahrain.
Well, kung totoo ngang may relasyon ang sexy actress at ang aktor-pulitiko, lalabas at lalabas ang totoo.





Comments