Mga pasaway — MMDA.. 2,500 bus drivers, bawal bumiyahe

Bumuo ng guidelines ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) katuwang ang Land Transportation Office (LTO) kung paano ipatutupad ang suspensiyon ng lisensiya sa pagmamaneho ng mahigit 2,500 Public Utility Bus (PUB) drivers na mga pasaway at patuloy na paglabag sa mga batas-trapiko.
Sa ginanap na press conference sa tanggapan ng MMDA Headquarters sa Guadalupe, Makati City, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na nangangamba sila na maapektuhan ang sektor ng transportasyon kung magkakasabay-sabay ang suspensiyon sa pasaway na PUB drivers.
Ayon sa opisyal, makikipagpulong sila sa mga bus operators at iba pang stakeholders at kasama nila ang LTO.





Comments