Leyte, niyanig ng 5.5

Niyanig ng Magnitude 5.5 na lindol ang bayan ng Leyte, Leyte na naramdaman sa ilang mga lugar sa Visayas, kahapon ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, may lalim na siyam na kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity V sa mga bayan ng Leyte, Kananga, Capoocan at Pastrana sa Leyte; Tacloban City at Ormoc City. Intensity IV sa mga bayan ng Palo, Dulag,
Babatngon, Alang-alang at Palompon, Leyte; Mandaue City at Cebu City; Naval, Biliran habang Intensity III sa Lapu-Lapu City; Lawaan, Eastern Samar.
Ayon kay Alik Yao ng Cebu-PDRRMO, wala namang naitalang pinsala sa mga istruktura.





Comments