Highest-grossing film sa 'Pinas… Movie nina Kathryn at Alden, pararangalan sa South Korea
Nitz Miralles / Bida

Nabuhay na naman ang isyu na “sabit” lang si Alden Richards kay Kathryn Bernardo sa super hit Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye dahil kasama sa pararangalan ang dalawa sa gaganaping 2020 Bucheon International Fantastic Film Festival sa Korea.
Hindi na naka-move on ang mga bashers ni Alden, paulit-ulit na lang ang isyung ito at matitigil lang siguro kapag may Filipino movie na nakapagtala ng bagong box-office record at nahigitan ang P1.3 B gross ng HLG.
Habang wala pang pelikula na tatalo sa box office gross ng HLG at tuwing may award at recognition na tatanggapin ang pelikula, tuloy ang pamba-bash kay Alden.
Sa July gaganapin ang 2020 Bucheon International Fantastic Film Festival sa Bucheon City, South Korea.
Ang nabasa namin, ibinase ang pagpili sa box office gross ng mga Filipino movies na ipinalabas noong 2019 at ang HLG nga ang nanguna. Kasamang pararangalan ang mga pelikula ng South Korea, Taiwan, Hong Kong, Thailand, Malaysia, Indonesia, India, Vietnam at China.
Hopefully, by that time, wala nang coronavirus at libre nang makapag-travel ang lahat kahit saang parte ng mundo at para makadalo sina Kathryn, Alden, Director Cathy Garcia-Molina at mga taga-Star Cinema para naman makilala ang team ng highest-grossing Filipino film as of today.





Comments