top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dating OFW na naanakan ng may sabit, makapag-a-abroad na ulit, mamahalin at tatanggapin pa ng binata

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 3, 2020
  • 2 min read

Katanungan

1. Dati akong OFW at nabuntis doon, pero walang naging ama ang aking anak dahil ang lalaking nakabuntis sa akin ay may asawa na. Ubos na ang lahat ng naipon ko dahil umuwi ako nang wala sa oras at wala sa plano ko ang mga nangyari sa buhay ko.

2. Sa kalagayan kong ito, may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa, makabangon at magkaroon ng maayos na pamilya?

3. May balak ulit akong mag-abroad at mag-a-apply na rin ako sa Singapore. Matutuloy kaya ako? At kung matutuloy ako, magiging maganda na kaya ang ikalawang pag-a-abroad kong ito para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking kaisa-isang anak?

4. Gusto ko ring malaman kung may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa at makatagpo ng matinong lalaki na makakasama ko habambuhay?

Kasagutan

1. Buti na lang at may ikalawa at mas malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) na namataan sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ang binabalak mong ikalawang pag-a-abroad na ito ang makatutulong upang makaahon ka na sa kahirapan at mabigyan mo ng magandang kinabukasan ang kaisa-isa mong anak sa pagkadalaga.

2. Ang pag-aanalisang makapag-a-abroad kang muli ay madaling kinumpirma ng lagda mong gumanda at naayos sa gitna hanggang sa dulong bahagi kung saan unti-unti nang lumilinaw at umaangat ang mga salita at letra ng nasabing signature.

Ito ay tanda na sa kasalukuyan, nasasagap na ng unconscious mong sarili ang magaganap – isang maalwan at masaganang ikalawang pangingibang-bansa.

3. Habang ang dagdag pang nakatutuwa na dapat ding ipagpasalamat ay may ikalawa at mas mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing sa ikalawang pakikipagrelasyon, makasusumpong ka na ng legal at tunay na kapareha na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya kahit sabihin pang may anak ka na sa pagkadalaga kung saan ang nasabing lalaking ito ay isinilang sa zodiac sign na Taurus. Dapat Gawin Ayon sa iyong mga datos, Ms. Lonely, hindi ka na dapat pang malungkot sa kasalukuyan dahil tulad ng nasabi na, magsisimula nang magbago ang iyong kapalaran kung saan itatala ang ikalawang mas mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa sa iyong kapalaran.

At habang nasa abroad ka, isang binata at mas mabait kaysa sa dating nakarelasyon mo ang iyong makikilala at mamahalin ka pa rin niya upang maganap ang malaon nang nakatakda sa iyong kapalaran na nagsasabing kung sa pag-a-abroad ka lumuha at nadapa, sa pag-a-abroad ka rin babangon, muling uunlad at habambuhay na magiging maligaya na nakatakdang mangyari ngayong taon ding ito ng 2020 sa edad mong 29 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page