Dagdag-benefits sa solo parent, lusot na

Umuusad na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang madagdagan ang benepisyo ng mga solong magulang sa bansa.
Inaprubahan ng House Committee on Revision of Laws ang substitute bill na nag-aamiyenda sa Republic Act 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000.
Kabilang sa mga itinuturing na solo parent ay ang magulang na babae at lalaki na sa loob ng hindi baba sa isang taon ay mag-isa lang na bumabalikat ng responsibilidad sa mga anak matapos ang legal na paghihiwalay ng mag-asawa; single, annulled o divorced na magulang na walang suportang natatanggap mula sa isa pang magulang.
Sa ilalim ng panukala, mabibigyan ang solo parent ng 10-porsiyentong diskuwento at malilibre sa value added tax sa pagbili ng mga gamit at iba pang pangangailangan ng bata tulad ng damit, gatas, pagkain, bakuna at iba pa.
Prayoridad na rin na mapagkalooban ng libreng medical at dental services, gayundin ng laboratory services sa mga pasilidad ng gobyerno ang mga solong magulang.





Comments