top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Contender pa rin ang Lady Tams vs. UE sa UAAP ’82 Volleyball

  • VA
  • Mar 3, 2020
  • 1 min read

Muling nagpapalakas pagkaraang mawalan ulit ng ilang key players, nakatakdang simulan ng Far Eastern University ang hangaring manatiling contender sa pagsabak nila kontra University of the East sa solong laro sa women’s division ngayong hapon sa opening ng UAAP Season ‘82 Volleyball Tournament sa MOA Arena sa Pasay.

Galing sa pagkaka-sideline noong nakaraang season matapos magtamo ng ACL injury, inaasahang babawi at mamumuno para sa Lady Tamaraws ang hitter na si Lycha Ebon.

Kasamang mangunguna ni Ebon para magpuno sa mga naiwang puwang nina Jerrili Malabanan, Heather Guino-o, Carly Hernandez, Celine Domingo at setter Kyle Negrito sina Gel Cayuna, Jeanette Villareal, libero Buding Duremdes at Ivana Agudo.

Nakatakda ring abangan ang magiging ambag ng kanilang mga promising rookies na sina Shiela Kiseo at Sheena Gallentes sa paggabay ni coach George Pascua. Para naman sa katunggali nilang Lady Warriors, hangad nitong maka-angat mula sa kanilang 7th place finish noong 2019.

Kasalukuyan ding nasa rebuilding stage gaya ng Lady Tams ang Lady Warriors ni coach Karl Dimaculangan na sasandig kina Mean Mendrez, Zilfa Olarve, Yeye Gabarda at Seth Rodriguez.

Babantayan din ng lahat kung paanong gagampanan ng kanilang bagong libero na si Jackskin Babol ang malaking papel na naiwan ng multi awarded nilang libero na si Kath Arado na nagtapos na ang playing years sa UAAP.

Magtutuos ng 4:00 p.m. ang Lady Tamaraws at Lady Warriors pagkatapos ng salpukan ng kanilang men’s squads sa pambungad na laro ganap na 2 p.m.

Mga laro ngayon MOA Arena: 2 pm UE vs. FEU (men’s); 4 pm UE vs. FEU (women’s)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page