top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

3 huli sa aktong nag-aabutan ng droga

Maeng Santos
Mar 3, 2020
1 min read

Tatlo katao ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan ng ilegal na droga sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga suspek na sina Loreto Adap, 49; Joseph Chico, 42, at Carlo Tan, 30, pawang mga residente ng Bgy. Potrero.

Sa imbestigasyon ni PSSg. Jerry Basungit, alas-3:00 ng madaling-araw, nagsasagawa ng foot patrol ang mga operatiba ng Police Community Precinct 2 sa pangunguna ni PLt. Edgardo Magnaye sa kahabaan ng Guava Road, Bgy. Potrero nang makita ng mga ito si Adap na may iniaabot na sachets ng shabu kina Chico at Tan na naging dahilan upang

arestuhin ang mga ito.

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang apat na sachets na naglalaman ng 2.0 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P13,600 ang halaga at P200 cash na nakuha kay Adap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page