top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

U.S., nakapagtala ng unang kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19

  • Madel Moratillo
  • Mar 2, 2020
  • 1 min read

Kinumpirma ng mga health officials sa Washington state sa Amerika na isang pasyente na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang namatay.

Ang nasabing pasyente ay isang 60-anyos na lalaki na mayroon umanong ‘underlying health conditions’.

Ayon sa mga health officials, walang ebidensiya na nakuha ng nasabing pasyente ang virus sa pagbiyahe nito. Isa sa tinitignan ng mga health officials ang posibilidad ng pagkalat ng virus sa mga komunidad.

Kaugnay nito, inanunsiyo ni U.S. President Donald Trump na maglabas na ng karagdagang travel restrictions at warning ang Estados Unidos para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Makikipagpulong din ito sa mga pharmaceutical companies para talakayin ang coronavirus vaccine.

Nagdeklara naman si Washington Gov. Jay Inslee ng state of emergency kasunod ng pagkamatay ng COVID positive patient.

Layon nitong magamit ng mga ahensiya ng gobyerno ang mga pondo para paghandaan ang posibleng outbreak ng virus.

Una nang kinumpirma ng U.S. diplomatic officials na isang 60-anyos na U.S. citizen na na-diagnosed ng COVID-19 ang namatay noong Pebrero 6 sa Jinyintian Hospital sa Wuhan, China.

Nabatid na nasa 69 na ang bilang ng mga U.S. citizen na nasa ibang bansa ang tinamaan ng virus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page