Nakakainis naman talaga s'ya, este sila pala… Seksing aktres at singer actress na parehong nagin
- Erlinda Rapadas T.
- Mar 2, 2020
- 1 min read

BLIND ITEM:
Marami ang nagtataka at hindi makapaniwala na ang dalawang aktres na nakarelasyon noon ng isang sikat na sikat na aktor ay nagawang tiisin at hindi man lang dinamayan ang isang taong nakakaalam ng kanilang mga sikreto sa buhay.
Nagkasakit hanggang sa tuluyang pumanaw ang nasabing tao na bahagi ng showbiz. May kimkim na sama ng loob ang taong ‘yun sa dalawang aktres na kanyang pinagmalasakitan at dinamayan nang magkaroon ng problema sa pag-ibig.
Si Actress A ay maganda at sexy kaya umibig sa kanya ang sikat na sikat na male celebrity. Ilang taon silang naging magkarelasyon at nagkaroon ng isang anak. Pero, dahil si male celebrity ay likas na playboy at lapitin ng mga chicks, naakit siya sa isang magandang singer-actress. Nagkaroon din sila ng anak.
Ang love story nina Actress A at Actress B ay alam na alam ng female friend/PR dahil malapit din siya sa sikat na male celebrity. Parang anak na ang turing ng female publicist kay Actress A. Dinamayan niya ito nang iwan ng sikat na male celebrity at sumama kay Actress B.
Naging kaibigan din ng female PR girl si Actress B dahil sa pakiusap ng sikat na male celebrity. Ang nakakalungkot, nang magkasakit at maospital hanggang sa pumanaw ang PR girl ay ni hindi sumilip sina Actress A at B.





Comments