top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Morant, ipinahiya si James; Nunn at Dragic, bida sa Heat

  • MC
  • Mar 2, 2020
  • 2 min read

Nagtala si Ja Morant ng 27 points at tinapatan ang kanyang career high na 14 assists nang putulin ng Memphis Grizzlies ang five-game losing streak sa bisa ng 105-88 victory laban sa bisitang Los Angeles Lakers sa NBA game kahapon.

Umiskor si Dillon Brooks ng 24 points, habang may 22 points si Jonas Valanciunas at 20 rebounds para sa Grizzlies, na siyang nagpagitla sa huling apat na laro nila kontra Lakers ngayong season. Ito rin ang ikalawang straight 20 rebound effort ni Valanciunas.

Hawak ng Memphis ang ika-8 at final postseason spot sa Western Conference sa may dalawang salang na laro kontra New Orleans Pelicans.

Nasayang ang 19 puntos ni LeBron James, 10 assists at eight rebounds para sa Los Angeles, na naputol ang seven-game winning streak. Pinakamababang iniskor ng Lakers ngayong season ang 88 points, na nangunguna sa Western Conference na may limang laro.

Samantala, hindi makalalaro ngayong araw si Golden State Warriors guard Stephen Curry laban sa Washington Wizards. Sa isang team statement kahapon, sinabi ng Warriors na, “Curry, remains on-schedule for a return to play at some point in March. He is now participating in full scrimmages with the team and is scheduled to practice with the Santa Cruz Warriors on Monday.”

Napilay ang kaliwang kamay ni Curry, ang two-time NBA Most Valuable Player nang matalo ang team sa 121-110 sa Phoenix Suns noong Okt. 30, 3019 nang makabanggaan niya si Aron Baynes ng Suns. Naoperahan siya nang sumunod na dalawang araw. Nasalang lang siya sa apat na laro bago naganap ang injury, may average na 20-3 points, 6.5 assists at 5.0 rebounds kada game.

Samantala sa iba pang laban, tumipa ng 21 points si Kendrick Nunn at nakapagtala ng 116-113 victory ang Miami Heat kontra Brooklyn Nets.

Nagdagdag ng 19 points si Goran Dragic off the bench at nakapagtala ng 16 points at 12 rebounds si Bam Adebayo para sa Heat, na may magkakasunod nang panalo sa unang pagkakataon magmula noong Pebrero 1 hanggang 3.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page