top of page
Pokwang.jpg

Mag-utol, tiklo sa shabu

Maeng Santos
Mar 2, 2020
1 min read

Isang babae at kanyang kapatid na lalaki ang arestado matapos makumpiskahan ng shabu sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Fernando Ortega ang mga naaresto na sina Khalillah, 23, at Jamil Dagalangit, 22, kapwa residente ng Tala, Caloocan City.

Alas-4:00 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr. ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Gen. T. De Leon, sa koordinasyon sa PDEA.

Nagawang makapagtransaksiyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 marked money at nang magkaabutan, agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka dinamba ang magkapatid.

Humigi’t-kumulang sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page